Shit and vomit

June 24, 2009


Masarap sumakay sa mga airconditioned bus dahil  malamig, mabilis, at hindi ka naghihilamos sa usok at alikabok kapag nasa jeep ka lang o bus na “butas. Iyon nga lang, maeenjoy mo ang sakay na ito pag a.) hindi siksikan sa mga pasahero mula pinto hanggang dulo o b.) may naamoy at nakikita kang hindi kanais-nais sa loob. Dalawang beses na akong nakaranas nitong pangalawang “distraction.”

Pauwi na ako galing work at sakay ng isang Bulacan-bound bus sa Commonwealth Ave. Dahil summer pa noon (this year lang ito nangyari), maluwag pa rin ang loob ng bus kahit alas singko na ng hapon. Nakaupo pa ako nang maayos. Maya-maya, may mga nagrereklamo nang pasahero dahil may naamoy sila na para bang amoy tae. Nalingat naman ako sa aking pagkakaupo-cum-pagninilay-nilay sa buhay trabaho at hinanap rin ang source ng amoy na iyon. Siyempre wala namang aamin agad na “opo kami po ng isa akong kasama ang dahilan kung bakit amoy ebak ang bus ngayon.” Maya-maya, napansin ko ang isang babae, kasama ang kaniyang anak, nakaupo sa bandang kanan ng bus.  Tila may pinupunas siya sa bandang puwet ng bata. Apparently natae ang anak niya habang nasa biyahe at tumilapon sa sahig yung tae. Nilapitan naman sila ng konduktor nang marinig na nagrereklamo na ang mga pasahero sa alingasaw. May sinabi sa babae, pero hindi ko na maalala kung ano iyon. In the end, bumababa rin yung babae-plus-anak , habang nilinis naman ng konduktor yung sahig na nabahiran ng tae gamit ang lumang dyaryo.

(Ano kaya ang iniisip nung ale na iyon habang pinupunas ang puwit ng nataeng anak at noong pababa na ng bus?Hmm, parang pwedeng gawan ng “microfiction story?”)

Very recent lang yung ikalawang insidenteng naranasan ko involving human waste. As usual sumakay ako ng Bulacan-bound bus sa Commonwealth, at sa likurang bahagi ako ng bus umupo. Pagkaupo ko sa silya, napansin kong may pile of vomit sa sahig sa tabi ko. Hindi ko na nalaman kung sino ang sumuka o kung bakit. Basta nandoon na lang yon. Hindi ko napansin na iniwasan palang upuan yung bandang silyang iyon dahil sa suka. Later on lumipat na ako sa ibang upuan.

(Ano kaya ang nangyari at may pasaherong napasuka doon?Lasing ba siya o hindi lang nakainom on time ng bonamine kaya nabyahilo sa bus?)

Bukod sa mandurukot, holdaper o tsansingero, kailangan na ring maging alisto sa mga duming biglang-bigla ay iniiwanan ng ibang pasahero, upang hindi ka malagay sa mga “shitty’ situation tulad ng mga naikuwento ko.

Entry Filed under: Bus. Tags: , , , , .

2 Comments Add your own

  • 1. Cher Cabula  |  August 23, 2009 at 10:36

    waah nahihilo ako sa airfreshener ng mga bus, natri-trigger motion sickness ko.

    Reply
    • 2. cvhaoson  |  August 23, 2009 at 10:56

      nakakahilo nga talaga yun kaya I try my best not to breathe it XD hahaha

      Reply

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Categories

Blogroll

Directories

Personal Blogs

Pages

 

June 2009
M T W T F S S
« May    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Archives