Ipit

June 6, 2009


Nangyari lang ito kahapon habang naghihintay ng masasakyang bus pauwi galing sa trabaho.

Lagpas 5:30 ng hapon na iyon, at mga isang dosena  kaming mga empleyado at commuter na nag-aabang ng masasakyan sa bangketang nasa  paanan ng overpass sa tapat ng Ylanan gate ng UP-Diliman. (Siya nga pala, nasa gitna na ito ng Commonwealth Avenue na lalo pang pinalawak ng MMDA para may madaanan pa ang mga sasakyan.) Pumara na ako ng dalawang bus pero hindi para rin ako makasakay, dahil hanggang SM Fairview lang ang byahe nila.

Napansin ko naman itong babaeng naka-orange ang office unform na pasakay na sana sa isang pulang FX (parang Adventure ‘yung tatak ng FX). Sa una’y hindi naman makatawag-pansin ang kanyang pagsakay. Pero maya-maya, nakita ko na namimilipit na sa sakit ang mukha ng babae habang binubuksan niya ang likurang pinto ng FX.  May sinasabi pa ata siya na pero di ko marinig dahil nasa kalsada na siya eh ako nasa bangketa pa rin.   Maya-maya naman, binaba na niya ang pinto ng FX, malamang dahil nabuwisit at bumalik  sa bangketa, habang tinitignan ang  daliri. Naipit ang daliri ko, sabi niya sa sarili.

Gusto ko sanang tanungin siya, o kamustahin man lang kung anong nangyari, kaso since self evident na namimilipit siya sa sakit, nanahimik na lang ako. Dapat sana pinagganahan ko na ang reporter skills ko at tinanong  kung a.) paanong naipit siya at b.) kung napansin ba yung drayber (sa pamamagitan ng salaming nakasabit sa windshield niya) at ng mga pasahero sa likurang parte ng FX. Naibaba ba kaagad ng pasahero sa likod yung pinto kaya naipit yung daliri ni Kawawang empleyada? O inangat agad ni Babae yung pinto kahit hindi pa ito nabubuksan kaaagd ng isang pasahero sa likod? Kaya lang hindi ko na ito nagawa hanggang sa tuluyan na akong nakasakay ng bus pauwi sa amin sa Fairview, Quezon City.

Hanggang ngayon pinagtatakhan ko pa rin kung bakit naipit ang daliri ng babaeng ito. Baka kasi ako naman ang a.) ang magbubukas ng pinto ng likurang parte ng FX tapos may maiipit na daliri ng isang sasakay na pasahero o b) ako ang maiipitan ng daliri habang nagbubukas ng pinto?

Entry Filed under: Bus, FX. Tags: , , , , , , , .

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Categories

Blogroll

Directories

Personal Blogs

Pages

 

June 2009
M T W T F S S
« May    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Archives