Habulin ng maiinit na ulo

June 5, 2009


There’s a saying that goes: when it rains it pours… and no I’m not referring to the messed up weather we have today but rather on another topic regarding commuters that I encountered today.

Biro mo ngayong araw na ito e may dalawang instances na’kong nakaencounter ng mainit ang ulo sa daan. Isa commuter and isa naman e commuter/conduktor.

Instance numero 1

While I was on my way home from a friend’s place I encountered a screaming woman in the Taft Station of the MRT. Ito yung instance na kung saan applicable ang kasabihang pag kaaway mo babae talo ka na agad. Bakit? Kasi nadelay kami sa pila sa may exit ng MRT kasi may isang babaeng tinatalakan yung guwardya.

And the situation goes something like this:

GUARD: nakatalikod sa babaeng mainit ulo Sige po dumaan lang kayo… pakiayos naman yung pagsaksak nung ticket para po hindi na kayo maabala.

SCREAMER (not real name): right behind the guard GANUN NAMAN PALA E! BAKIT DI MO AKO KINAUSAP NG MAAYOS!? !@#@(*$^$+ PASAHERO AKO DITO A #)(*&#%)#@(* blah blah blah blah blah

Ayun, habang nangyayari tong scene na to I was busy looking for the ticket machine (ano ba tawag dun?) with the sensor because I was using the AXS card. Inabutan na nga ako ng second batch ng MRT commuters e nandun parin ako sa pila at nandun parin si SCREAMER, take note, malakas na ulan (bumubugso yun a). maingay ang station at maingay ang mga kotse, biro niyo rinig ko yung sinasabi nung babae na yun.

O di ba astig?

Instance numero dos

Ito naman happened while I was riding a bus on my way home from Glo. I was half-awake when I saw a guy in green and another guy in white/black with cap trading punches. Oo NAGSASAPAKAN SA BUS as in tipong no-holds-barred-whoever-KOs-wins na sapakan. Ako naman si boy antok was semi-surprised (because I was half-awake di ba?) so hindi ako na pa O_O like most of the passengers.

Nasa may Evengelista na yung bus na yun and the bus stopped in the middle of the street kasi nga naman nagsasapakan na.

Turns out the guy in green was the conductor (didn’t really noticed even when I paid kasi nga antok ako), and the other guy was a passenger. Inawat nung isang pasahero yung dalawa at pinagbuklod. Ang makulit pa e dun sa side ng sapakan e puros babae pa yung mga nakaupong pasahero. Akalain mo bang ni isa sa kanila walang tumili. (yeah I know I’m being sexist here pero hindi ba totoo?)

Nagtayuan lang at nag-give way yung iba habang pinigilan na nung isang mas malaking mama yung dalawa.

Kala mo tapos na yung away? Hindi pa may round 2 pa yan!

The bus moved on to EDSA and tempers were still flaring. Hindi lang yung pasahero ang uminit ang ulo kundi na rin mga pasahero… may matanda pa ngang nag lakas loob na magsalita e KUNG IPAGPATULOY NYU YAN BABABA NA KAMING MGA PASAHERO. Anyway, ayun at sa may Rotonda na kami, the people were all raring to go (with me being totally sleepy e, parang ho-hum lang).

Bumubulong bulong pa yung pasahero, kung gulo away nito kakagat ako tapos pinabababa na nga siya ng iba sabi lang nya hindi ako bababa. Ayun nung nagsesetup na kaming bumaba ayan nagharap na ulit yung dalawa. Kaya lang habang nanagyayari yun may naipit na pasaherong babae sa pintuan, ito sabi @#$(*@&#) PABABABAIN NYU KO! IREREPORT KO KAYO KUNG DI KAYO MAG AYOS @*($@$

mga babae nga naman no? ^^

So ayun nakababa na kami at lahat lahat. May naiwan pang 2 pasahero maliban dun sa nakipagsaapakan. Sinara ng driver yung pinto at nagsimula nang mag angasan. Dun ko narinig na yung pasahero pala e hindi pa nagbabayad at nag aastang bayad na tapos nung tinangkang bumaba sinaraduhan ng driver at dun nag simula.

Pumorma na yung pasahero at inikot sa kamay yung jacket habang yung conduktor nilabas na yung cross wrench. Nagrambol sila ulit sa loob ng bus habang kaming mga pasahero e nasa labas nanunuod (kung may popcorn lang ako kinakain ko na yung time na yun e). Hinampas ng conduktor nung cross-wrench yung pasahero habang yung driver e sumapak. Yung pasahero naman na deflect yung sakit gamit yung kamay na may jacket kaya lang napahiga siya sa sahig. Ayun at nakita yung opportunity at pinagtatatadyak siya ng conduktor.

Habang nangyayari to yung isang naiwang pasahero nagtatangka naman lumabas, pano? lulusot dapat sa binatana kaya lang feeling ko napaghinaan ng loob kaya kaalahati lang ng katawan yung nakalabas.

Grabe lang, talo pa nito yung laban ni Pacquiao at Hatton e, umaatikabong bakbakan at may comedy pa.

Nasa may gilid sila ng EDSA nun nang nanagyari. Tawa lang ako ng tawa habang nanagyayari to… siyempre paminsan ka lang makakakita ng ganitong sagupaan di ba?

After nung sapakan it seemed na nandun pa sa bus yung pasahero, nilagpasan ako at umarangkada yung bus. Mukhang may round 3 pa lol.

Onga pala natatandaan niyo yung babaeng tumatalak kanina di ba? Nakasabay kong maglakad papuntang Metropoint siya at biro niyo hinabol yung bus para makuha yung number. Akalain mong tinotoo niya yung sinabi niya — lol

Ganda ng araw ko ngayon no? FTW

Entry Filed under: Bus, MRT. Tags: , , , , , , , , , , , .

12 Comments Add your own

  • 1. Imee  |  June 5, 2009 at 23:07

    Nagsapakan sa bus?? Can you say “dyahe ang biyahe”?? Rawr, corny. Pero naman! Hay. You’re right, mxado nila idol si Pacquiao.

    Reply
    • 2. cvhaoson  |  June 5, 2009 at 23:17

      yeah I know nagising nga ako sa antok ko e XD

      Reply
  • 3. Alyannah  |  June 5, 2009 at 23:35

    haha!! cool!!! so cool!! kita mo un! ganda araw! oo nga nman minsan lng un! haha God Bless!

    Reply
    • 4. cvhaoson  |  June 6, 2009 at 11:45

      told ya didn’t i? :D

      Reply
  • 5. Jett Rafael Tan  |  June 6, 2009 at 02:04

    this is not a funny story (round 2) para lang sa pamasahe na magkano? about 20php nag suntukan na sila? makikita mo ngayon ang tao ang gugulo na nang utak, mas gusto pa nila mag suntukan kesa magusap nalang…… a sad story of 2 stupid immature person. haoson ganda ng araw mo nyan cguro hehe.

    Reply
    • 6. cvhaoson  |  June 6, 2009 at 11:45

      haha ganun talaga 9 pesos pa nga yung pamasahe e buti nalang di ako nadamay kundi gulo naalingpungatan ako e XD

      Reply
  • 7. himantayon2  |  June 6, 2009 at 10:38

    saya ng concidences mo pare, may “umaatikabong aksyon”…pang RONDA Patrol yung mga experiences mo ha, lalo nay ung conductor-pasahero slugfest

    Reply
    • 8. cvhaoson  |  June 6, 2009 at 11:46

      hinihintay ko nga sa balita e baka lumabas

      Reply
  • 9. Beryl  |  June 6, 2009 at 11:58

    hahahaha! e2 pla ung sinasabi mo amp. hahaha. laugh trip! haha. watta experience. hahaha!!

    Reply
    • 10. cvhaoson  |  June 6, 2009 at 12:09

      I KNOE RAYT? :D

      Reply
  • 11. dividelife  |  June 6, 2009 at 19:35

    That… was pure awesomesauce sir

    Reply
    • 12. cvhaoson  |  June 6, 2009 at 19:58

      It was sir it was

      Reply

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Categories

Blogroll

Directories

Personal Blogs

Pages

 

June 2009
M T W T F S S
« May    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Archives