Pagtulog

May 16, 2009


Isang kasarapan sa pagsakay ng FX ay pupuwede kang matulog habang bumibiyahe ito. Syempre depende sa layo ng lugar na pupuntahan mo at kung siksikan ba talaga ang sasakyan, (lalo na ang gitnang part nito na kailangan mo pang iurong ang iyong puwet magkasya lang kayong apat sa pagkakaupo.). Dahil umagang-umaga, bagong gising ka pa at madalas humahangos sa kahahabol nito habang dumadaan sa inyong kalye.

Ako naman, enjoy rin sa pagtulog habang sakay sa FX. Araw-araw akong bumibiyahe mula Lagro subdivision, dito sa Fairview,Quezon City hanggang sa “Central”,  ang tawag sa  Iglesia ni Cristo main temple sa Commonwealth Avenue, papunta sa pinagtatatrabahuang news agency sa Katipunan. (Ibang kuwento naman ang pagsakay ko ng jeep at tricycle on the way to work pagkababa sa FX.) At habang umaandar ang sasakyan, pinapatugtog ni Manong Drayber ang Love Radio with matching sigaw ni Nicolehiyala  o di kaya’y nakikinig kina Gerry Baja at Anthony Taberna sa DZMM, ako naman sinasamantala ang byahe upang magkaroon ng ‘ika nga’y “shut eye.” Bagama’t masasabing malapit lang ang byahe dahil mga 30 minutos lang ang tinatagal nito kung sa ordinaryong araw, kahit papaano nakakaidlip ako habang pumapasada ang sinasakyang FX. Lalo na sa mga araw na pakiramdam ko ay kinulang ako ng tulog dahil sa sobrang pagod sa pagsusulat ng mga artikulo.

Hamon nga lamang sa pagtulog kung sisitahin ka na ng iyong katabi dahil a.) nakasandal ka na sa balikat niya, kung ikaw ay nasa gitnang bahagi ng FX o b.) naiipit mo ang kamay ng isang pasahero sa likod na nakahawak sa inuupan mong silya. Nangyari ang pangalawang scenario sa akin mga ilang araw lang ang nakaraan. Napasarap yata ako ng tulog dahil umiikot yung ulo ko, habang umaandar naman ang sasakyan. Naalipungatan na lang ako nang sitahin ako ng isang lalaking pasahero sa likuran ng FX, sabi niya kanina ko pa naiipit ang kamay niya. Apparently, hindi ko na namamalayan naiipit ko na ang kamay niya dahil sa sarap ng tulog (o idlip o catnap, take your pick).

Hindi na ako nakatulog afterwards hanggang sa makababa na ako sa Central.

Ang aral: magbiro sa lasing huwag lang sa katabing naiipit ang kamay o nasasandalan ang balikat ng natutulog na pasahero. At matutulog pa rin ako sa FX, ngunit huwag naman sana na lumagpas ako sa aking binabababaang destinasyon.

Entry Filed under: FX. Tags: , , , .

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Categories

Blogroll

Directories

Personal Blogs

Pages

 

May 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Archives