Gusto mong marape?
May 14, 2009
Ke babae, lalake, bakla o tomboy ka pa, walang sinasanto ang pagsakay sa LRT2 (pag oras ng pasukan o uwian), MRT (pag rush hour) at lalong lalo na sa LRT1 (all the time) pagdating sa siksikan.
Medyo maswerte ang mga sumasakay sa LRT1 dahil pinaghihiwalay ang mga babae at lalake. Kung babae ka na may kapangitan at walang pakielam sa katawan, sige at makipagsiksikan sa mga papasok ding pasahero. Pero kung Lasalista/ tiga St. Scho/ CSB ka o di kaya ay mahilig mag tank top o mini skirt o pekpek shorts, huwag kang umasa na walang hihipo sa katawan mo.
BABALA!
Pag sinabing “hipo” sa LRT1, hindi lang sa kamay yon. Pwedeng “buhay na batuta,” sikong may sariling pag-iisip o di kaya ay hita na mag-isang gumagalaw.
Oo, hita. Kanya kanyang paraan lang yan. Ang madalas na gumamit nito ay ang mga kabadingan. At oo, first hand experience yan. Natawa na nga lang ako kesa magalit, dahil ibang klase yun. Kakaibang diskarte pre!
Pang Mentos moment ika nga.
Minsan, n’ung nagtratrabaho pa ako sa Eat Bulaga sa Katipunan at kailangan sumakay ng LRT1 papuntang LRT2, nagaabang ako ng tren ng may magandang dalaga akong nakasabay. Nakapalda siya.
Para mapadali, ang get-up niya ay tipong ‘yung sinuot ni “Annie” sa Zaido: hapit na white top, tapos yellow skirt.
Dumating ang tren. Bumukas ang pinto. Parang nagbukas ka ng lata ng sardinas (pero hindi sa Pilipinas gawa ito kase dito ang lata ng sardinas maluluwag kasya pa tatlong piraso- OO TANGAMA NIYO LIGO SARDINES) pero imbis na isda ang laman, ay mga barakong nagpapawisan dahil nagmamadali at sa init na din ng araw dahil tanghaling tapat.
Natural mente di ako sumakay. Ayoko sa matao. Ayoko sa masikip na lugar. Pag naiipit kasi ako, ako ‘yung tipong bigla na lang nagwawala at di mapakale- in a bad way.
Akala mo magaling maniko si Ramon Fernandez? Wala siya sa’kin pag rush hour sa LRT.
Okay, so balik sa kwento sa babae.
Hindi ako sumakay. Nagulat ako at sumakay siya. Hindi siya nakapasok sa loob, dun lang din siya sa me pinto. Tapos nagsara na.
Tiningnan ko siya, tiningnan ko ‘yung mga asa likod niya. At parang siya din natauhan na magagahasa siya sa loob ng tren na yun. Nilayo ko na lang ung mga mata ko.
Agad naman akong nakasakay. Bumaba dun sa tawiran papuntang LRT2. Nakita ko ung babae. Kung nung umpisa ay Lactacyd fresh ko siyang nakita sa Libertad station. Dun sa Doroteo Jose e mukha na siyang pinagsawaan ng apat napung Arabong kinulong ng labing tatlong taon sa seminaryo.
Isa pang kwento ay minsang nakasakay ako sa LRT1 at nakatayo. Nakakapit sa railing ng may babaeng pumasok at ultimong sinandalan ako.
Ayos lang kung maganda. Ayos lang kung mabango. Hindi e. Tapos sumandal lang bigla sakin na ginawa akong “human stopper” para kapag prumeno ay may sasalo sa kaniya.
Nung pre-preno na ang tren, linayo ko nang konti ang katawan ko sa kanya. Di niya napansin. Huli na ang lahat ng pulutin niya ang sarili niya sa mga taong nakaupo sa gilid.
At least di niya pwedeng sabihing hinipuan ko siya.
Ayokong umuupo sa LRT. Kahit maluwag- maliban na lang kapag pagod ako at paniguradong makakatulog. Kasi kung uupo ako at gising, eto ung mga scenario na normal nang nangyayari sa LRT e:
1. Me tatayo sa harap mo na lalakeng naka sando, at pinagyayabang niya sa iyo ang mala-bulbol niyang buhok sa kilikili. Mas masaklap pa pag babae. Nangyare na sa akin yun. Meron pang isa, hindi lang puwet ng kaldero sa itim ang kilikili. Parang kumuha ka ng pusit, tapos nirolyo mo sa sariling tinta, tapos sinawsaw mo sa isang basong itim na pintura. Ganon kaitim.
2. Me tatayo sa harap mo na ke eye level mo yung etits niya. Hindi naman sa bakla ka o me interes ka, pero maaa-libadbaran ka lang e.
Tumingin ka sa kanan, andun ang etits niya. Tumingin ka sa kaliwa, andun pa din!
Tapos minsan, yung kaibigan kong babae, na experience niya ung umiwas sa ganon, kaso nung humarap siya sa gitna, e nginitian pa daw siya nung mama.
Sabi ko sana binayagan niya. Sabi niya, baka matuwa pa.
Isa pa sa nakakabwisit maliban sa maiingay na pasahero sa LRT ay ung kumakain sa aircon. Suha, Orange, anything citrus. Langka din. O ung nagdala ng durian o di kaya bagoong.
O yung mga AMOY bagoong lang talaga. Hindi maiiwasan yun e.
Parang, papalapit pa lang naamoy mo na. Pag ganon minsan nagkukunware ako na-stop ko na e, pero ang totoo, lalayo lang talaga ako sa vicinity ng suspek.
Sumakay ka na ang pabango mo Lacoste, lumabas ka amoy cottage cheese ka na.
At dahil ang titulo ng entry na to e “rape,” eto ung matitindi.
Merong mga manyak talaga. Minsan pinapahid nila etits nila sa pwet nung biktima. O di kaya e sinisiko palihim ung dede. Maraming diskarte jan e.
At dahil matangkad ako, nahuhuli ko ung mga gagong naninilip sa mga nakaupong babae na kita yung cleavage.
Yung tipong, “ano tinitingnan ng mokong na to?”
Tapos sempre susundan ko ung mata niya kung saan di ba. Malay ko ba kung bomba na pala tinitingnan niya ayaw lang magsalita. Tapos yun na, suso pala tinitingnan. Pag ganon minsan sinasadya ko na takpan ‘yung view e. Hinaharang ko ‘yung kamay ko sa railing, o di kaya uurong ako para mapaurong din sila ng pwesto. Ganun.
Pinalaki naman akong matino ng mama ko kahit papaano.
Eto ung nangyare naman sa akin at sa bading. Umpisa pa lang na pagsakay ng bading (na di mukhang bading) e napapansin kong nakatingin sakin.
Napaisip naman ako na baka me dumi ako sa mukha. O kulangot na nag-he-hello. Wala naman. Basta tingin lang nang tingin. Alam mo yun? Yung kahit nakatalikod ka na, alam mong me nakatitig sayo?
So mamaya maya e huminto na ang tren sa R.Papa, papunta kasi ako sa Monumento nun e. Tapos gitgitan bumaba sempre.
Aba mamaya maya, naramdaman ko either titi un o 5210 ung dala niyang cellphone at nilalagay sa zipper banda ng pantalon niya sa hita ko.
Sempre nagkatinginan kame. kinindatan ako. Lumayo lang ako tapos sinuklian siya ng tingin ng hindi bababa sa isangdaan at apat napung mura per minute. Hindi ako makapalag nun e, gitgitan pa kase. Pakyu na lang nang palihim.
Virgin pa naman ang pwet ko, di ko pa naman naranasan na mapahiran sa pwet. Hita lang.
Kung ayaw niyong makaranas ng ganon, umiwas sa rush hour. O di kaya, doon kayo lagi tatayo sa sulok, kung saan may pader na umaalalay sa pwet mo, at ung bag mo ay sa harap mo. Yan ang Angel Velasco school of LRT defense.
Ang tip ko sa LRT1 passengers, pag babae ka dun ka sa for girls only na cart.
Pag lalake ka at ayaw mong magahasa nang di oras, o di kaya e gusto mo lang naman na tumagal ng more than thirty minutes ‘yung pabango mo, dun ka pumwesto sa pinakadulo ng station malapit sa edge.
‘Yung mga lumang tren kasi, hindi aabot ung last cart dun. Ang mga bago lang. Hindi pa naiisip ng iba un e, so laging onti tao dun o di kaya e maluwag para magtaas ka ng paa o mag dekwatro.
Sa MRT kase, mapa-kaliwa man o kanan bumubukas ang pinto, kaya di mo alam kung saan ka pupwesto para di mahipuan.
Story taken from: Angel’s Blog
Entry Filed under: LRT, LRT2, MRT. Tags: amoy, bading, buhok, kilikili, LRT, LRT2, manyak, MRT, tips.
2 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
1.
abner | July 2, 2009 at 17:46
lol i feel bad for those who have to endure commuting daily at LRT. i have been lucky so far in the few times I have been on the LRT though.
2.
cvhaoson | July 2, 2009 at 20:31
you lucky dog you